Wednesday, June 17, 2009

PAG-PAPAHALAGA

Minsan sa buhay ko, naramdaman ko na parang hindi ako mahalaga pag-dating sa mga taong mahal ko o malapit sa akin, na parang they just taken me for granted, na parang Im not existing. Masakit man isipin na yung mga taong yun na pakiramdam ko ay mahal ako, na mnsan din na binabalewala ako. Pakiramdam ko pag may kailangan lang sila sa akin nagiging malapit sa akin, yung tipong hindi magawa ng ibang tao na kaya kong gawin tska nila ako kakailanganin pero kapag hindi na nila ako kailangan, nagiging pabigat ako sa mga mata nila. Minsan naisip ko na lang din na sana hindi na lang ako nabuhay pa dahil pakiramdam ko isa akong kapalpakan at walang kwentang nilalang at naisip ko din na parang hindi ko yata deserve ang pagkakataong mabuhay dito sa mundong ibabaw, na sana ibinigay na lang ni God sa taong maraming magagawang kabutihan hindi sa tulad kong pahirap, pabigat at puro kasamaan na lang yata at nagawa sa buahy na pinahiram nya. Masakit sa loob ko na ako ay sinisigawan at pinag sasabihan lalo na kung hindi naman totoo ang paratang nila ukol sa akin, oo masakit pero kinakakain ko lahat ng aking maririnig mula sa kanila maging hindi man ito totoo. Naisip ko na sana isang araw sa pag lisan ko dito sa mundong ibabaw ay makita naman sana nila ay kahalagahan ko, na sana hindi lahat ng pagkakamali ko ang makikita nila.

Isang gabi habang kami ay nag sasalo salo ng hapunan ay nasigawan ako ng mama ko na labis kong ikina-tampo at labis na ikina lungkot sa kanyang mga sinabi, nasabi nya na hindi ako nagmamalasakit sa aking mga nakakbatang kapatid, na ang pag kakaunawa ko ay wala akong kwentang kuya. Parang sinusumbatan ako sa lahat ng pagkakamaling ginawa ko, naramdaman ko din na sa pananalita nya na nagiging pabigat na ako sa buhay. Kasi nga naman nakatapos na ako't lahat sa kanila parin ako umaasa, kaya naman I hope na this time makapasa na para naman makapag simula na din ng mga pangarap ko sa kanila, hindi ako makasarili oo tama, para sa kanila to, para naman maramdaman nila na kahit sa pagkuha ko ng lisensya ay para sa kanila. Maramia kong pangarap para sa aking pamilya, lalo na ang pinakamamahal kong mama, minsan hindi ko din maunawaan ang ugali nya, kasi akala ko kakampi ko sya at yun din nmn ang sabi nya sa akin pero their was a time na talgang hindi nya ako maunawaan at that time alam kong may isang Lord na kakampi ko at nakakunawa sa akin. Kapag malungkot ako, I ask him na yakapin nya ako at kung pwede ko syang iyakan dahil alam ko na tanging sya lamang ang nakaka-alam ng tunay na pangyayari at katotohanan. Maraming beses na akong nasaktan at pilit bumabangon at lumalaban. At sabi ko sa sarili ko na hindi akon pwedeng sumuko kahit ako ay sugatan na sa laban, dahil para ito sa pamilya ko at para sa mga taong nagmamahal, sumusuporta at nakakaunawa sa akin at lalong lao na para sa mga pangarap ko.

No comments: