Thursday, January 1, 2009

Pagpapatawad at Paglimot




Bagong taon na, madalas na ang mag messages sa cellphone mo ay bumabati ng manigong bagong taon, pero ano ba talaga ang ibig sabihin ng bagong taon para sa nakakrami? at ano ang essence nito?

Sa nakalipas na taon, maraming mga bagay - bagay ang nakapag-pabago ng ikot ng buhay mo, marami tayong naging kasalanan na nagawa sa ating kapwa at maging sa ating sarili, at alam mo sa iyong sari li kung pinag-sisihan mo na ba ang mga ito at handa mo nang baguhin at kalimutan ang mga bagay na hindi mo nagawang maayos at sadyang nakasakit sa iyong kapwa at sarili. Maari ito ang magandang kahulugan ng bagong taon, ang kalimutan at patawarin mo ang iyong sarili sa mga bagay na hindi sumang-ayon sa alon ng nakaraang panahon.

Sa mga nakalipas na segundo, minuto at oras ng ating buhay, may panahon na naisip mo kung ano ang mga bagay na nagawa mong mabuti para sa iyong sarili at maging sa mga mahal mo sa buhay, ay may panahon din na naisip mo kung ano yung mga bagay kung san ka nagkamali at hindi kanais-nais at ano ang mga paraan n a ginawa mo para maiayos ang mga bagay na tila lumihis ng karera. Nakaka-lungkot isipin na parang mas madami kang nagawang mali kaysa sa tamang gawain sa mag magulang, kapatid at kaibigan.

Siguro naitanong mo na sa iyong sarili kung bakit at paano mo nagawa ang mga bagay na alam mong nakasakit ng iyong kapwa, siguro nadala ka ng emosyon mo, marahil isa ring dahilan ang pag-ibig, nandahil sa mga rason na yan kung bakit mo nagawa at nasira ang inyong magandang samnahan, kung baga nag-karoon na ng lamat. Pero ano ang gingawa ng pagpapatawad hindi ba? kung ang Panginoon ng anatin nagawa tayong patawarin sa lahat ng ating pag-kakasala eh ano pa tayong mga tao lamang.

Sana maging maganda at maayos ang taon na ito para sa ating lahat, sana lahat ng desire ng ating puso ay makamait nating lahat ng sobra sobra at higit sa lahat matunanan natin ang MAGPATAWAD AT KUMALIMOT sa mga panahon na hindi naging maganda. Atin sanang mabuo m uli ang samahan na tulad ng dati, muli nating pag-saluhan ang mga ngiti, saya at galak ng bawat isa. Mag-mahala tayo at sana sa pagkakataong ito magawa nating tama at tuwid ang mga pagkakamali natin sa ating kapwa at maging sa ating sarili. Alam mo kung paano ang mag-mahal ang ating Panginoon at sana bawat tao ay kapareho niyang mag-mahal, na handa kahit walang hinihintay na kapalit.


MASAYA AT MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT!!