Tuesday, May 26, 2009

F A I T H




papalapit nanaman ang exams ko, at pakiwari ko ay wala pa akong naaral mula sa simula, mukang babagsak nnmn ata ako sa 2nd chance ko, pero sabi ko sa sarili ko hindi ako makakapayag pa na muling mngyari sa akin ang nangyari kahapon kaya nga nmn ng enrol ako ulit sa ikalawang pag-kakataon sa isang review skul malapit lang sa eskwelahan ko dati. Muli nanaman akong umaasa na sa pag kakataonbg ito ay makamit ko na ang pangarap kong linsensya.

Noong una akong sumubok parang wla ding nagyari sa akin aminado nmn ako na di ako masyadong nkapag aral, kaya marahil ako ay bumagsak, sinamahan ko ng dasal ang laht ng pagkakataon na ako'y nanghihina dahil sa mga nakukuha kong practice exams test. Hanggang sa dumating na yung araw ng exams ko, naghintay ako ng ilang buwan na umaasa na makikita ko ang pangalan ko sa internet o sa peryodiko, subalit wala. Umiyak ako ng umiyak at pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko nung di ako naksama sa mga pumasa. At sabi ko sa Kanya na kung ano man ang ibibigay niya sa akin ay yayakapin ko ng buong puso, ngunit sa simula ya di ito naging ganoong kadali para sa akin. At pingako ko sa aking sarili na sa pag kuha ko ng exams sa susunod ay isisguraduhin kong akoy handa na at tyak na ako ay makakasama sa mga mag -oath taking.

Noong mga oras na yun nalulungkot ako, sobrang depressed wla na akong magagawa pa, nabigo ko ang aking pamilya, pakiramdam ko wla akong kwenta at nag aksaya lamang ng pera sa unang review ko. Minsan pumasok sa isip ko na kung sana galing ako sa magandang unibersidad ay di ito mang yayari sa akin. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko, hindi ko na pwedeng ibalik ang nga panahong lumipas, at ang tanging magagawa ko na lamang ngyon ay mag sumikap at mag aral ng doble pa, mahigit kumulang 8 araw na lang at pakiramdam ko ay di pa ako handa. Pero naniniwala ako sa kakayahan nya, alm kong tutulungan nya ako muli sa pagkakataong ito gagawin ko ang lahat ng aking makakaya, para naman mapatunayan ko sa maralita na kaya ko din! at maging proud ang parents at mga kapatid ko sa akin.

Kapag nakuha ko na ang minimithi kong lisensya ay masisimulan ko na ang aking mga pangarap para sa aking pamilya, unti unit kong matutupad ang mga pangrap ko sa kanila. Sana maawa sa akin ang Panginoon at sana unawain nya ako. Mahal; na mahal ko ang aking pamilya at para sa kanila tong gingawa ko. Bless me God. I know that I'am destined to be a good nurse. Pls God make me one.