Wednesday, December 17, 2008

Kailan pa ba dapat??

Mali nga ba ang magmahal ng buong buo? ng walang kulang? Ang gusto kasi ng mas nakakarami na kapag nagamhal sila ay buong buo at walang kulang, sa kadahilanang ayaw nila magsisi sa bandang huli kung bakit hindi pa nila ito ibinigay nung u na pa lamang na bago pa ang lahat. Pero sa hindi namamalayang sitwasyon ay nawawala na ang pagmamahal mo sa iyong sarili, wala na kahit isang porsyento. Marami sa atin na iniwanan ng taong pinakamamahal natin na tinuring na nating parte ng buhay natin, kasama sa pag-tulog, pag-kain, at pag-hinga lahat na ata ng gawain sa araw - araw ay sya ang kasama natin, ang taong hinihigan mo ng lakas ng loob para magpatuloy pa sa mga darating na araw. Kasama mo din sa pag - buo mo ng mga pangarap. Pero bakit ganoon?? yung taong mahal mo iniwan ka? madalas mong tanong sa iyong sarili kung san ka nagkamali at nagkulang, at naisip mo na sana hindi mo ibinigay sa kanya ang buong pagmamahal, pero ano pa ba ang magagawa mo eh nangyari na ang hindi inaasahang mangyari.

Mula sa madilim mong nakaraan ay pilit kang babangon hindi para sa mga mahal mo sa buhay, kung hindi dahil sa iyong sarili. Unti-unti mong matutunan kung paano muling mabuhay na mag - isa na walang ibang maasahan kundi tanging iyong sarili lamang, pamilaya at ang Maykapal. Sabi nga nila " life is too short, enjoy life" Sana nga lang madaling gawin ang mga katagang madalas binabanggit ng mga t aong hindi pa naranasan ang minsan mong pag kasadlak.

Kailan pa ba dapat na ang isang nilalang ay matututong mahalain ang kanyang sarili na higit pa sa anong bagay at kung sino man. " Learning to love yourself it is the greatest love of all".

Sana sa susunod na magpapa-pasok ka muli ng tao sa puso mo ay ipaiwanan mo sa kanya ang tsinelas nya sa labas, para kung sakaling iwan ka nya ay hindi ka mahihirapang linisin ang mga bakas nito.

No comments: